Ang Tagalog na bersyon ng website ng University Grants Committee (UGC) Secretariat ay naglalaman lamang ng mga piling kapaki-pakinabang na impormasyon. Maaari ninyong ma-akses ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Traditional Chinese o Simplified Chinese.
Ang University Grants Committee (UGC) Secretariat ay isang maliit na departamento ng Pamahalaan na mayroong halos 140 na mga kawani, kung saan ang karamihan sa kanila ay mga sibil na tagapaglingkod. Pinamumunuan ito ng Secretary-General ng UGC. Ang Secretariat ang nagbibigay ng mga patakaran at suportang pang-administratibo sa UGC at tumutulong sa UGC na isagawa ang mga tungkulin nito sa pagpapayo sa Pamahalaan ukol sa pagpapaunlad at pagpopondo ng edukasyong tertiary sa Hong Kong. Mas tukoy pa, ang Secretariat ang nagbibigay ng suporta sa UGC sa pagsasaalang-alang ng isang malawak na hanay ng mga bagay-bagay kabilang ang: mga gawad na paulit-ulit at dami ng mga mag-aaral sa mga unibersidad na pinopopondohan ng UGS; kalidad ng pagtuturo at pagkatuto; mga bagay-bagay na kaugnay ng pananaliksik; internasyonalisasyon; at mga pangunahing proyektong gawain para sa mga unibersidad. Ang Secretariat ay tumutulong din sa UGC na masubaybayan ang pagka-episyente at pagiging sulit ng mga aktibidad ng unibersidad.
Dagdag pa rito, ang UGC Secretariat ay nagkakaloob ng suportang pang-administratibo sa Research Grants Council (RGC) at sa Quality Assurance Council (QAC). Ang dalawang ito ay parehong mga semi-autonomous na Council sa ilalim ng pagtatanggol ng UGC. Ang RGC ay responsable sa pagpapayo sa Pamahalaan, sa pamamagitan ng UGC, ukol sa mga pangangailangan ng mga institusyon sa Hong Kong para sa mas mataas na edukasyon sa larangan ng pang-akademikang pananaliksik at para sa pamamahagi ng pagpopondo sa mga proyektong para sa pang-akademikang pananaliksik na isinasagawa ng mga pang-akademikang kawani ng mga naturang institusyon na pinopondohan ng UGC. Para sa QAC, naglalayon ito na tulungan ang UGC sa pagtitiyak ng kalidad ng mga programa (paano pa man pinondohan) sa unang antas at sa matataas na lebel na iniaalok ng mga institusyong pinopondohan ng UGC.
Kung mayroon kayong mga tanong, mungkahi at mga komentong gustong sabihin, maaari kayong makipag-ugnayan sa Secretariat sa :
Address: |
7/F., Shui On Centre, 6-8 Harbour Road, Wanchai, Hong Kong, China |
---|---|
Telepono: | (852) 2524 3987 |
Facsimile: | (852) 2845 1596 |
E-Mail: | ugc@ugc.edu.hk |
Nang naaayon sa pangkalahatang patakaran ng Pamahalaan, ang Secretariat ay naninindigan sa pag-aalis ng diskriminasyon ng lahi at nagtataguyod ng pantay-pantay na oportunidad para sa mga tao na mayroong iba’t ibang lahi. Nakapagbalangkas na kami ng isang listahan ng mga hakbang upang matulungan ang Secretariat sa pagtataguyod ng pantay-pantay na akses sa mga pampublikong serbisyo, na nakalakip sa ibaba.